Sarah-Matteo secret wedding hinassle ni Mommy Divine

Matapos ang pahulaan kung natuloy ba o hindi ang kasal ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nitong Pebrero 20, 2020 ay mas malaking balita ang bumulaga sa mga abangers.

Maliban kasi sa natuloy ang pinakakaabangang kasalan ng taon ay mas malaking eksena ang nangyari dahil lumusob diumano ang ina ng singer/actress na si Mommy Divine.

Mrs. Guidicelli

Sabi sa kumalat na balita dumating umano sa pinagdausan ng civil wedding sa Shangri-La BGC ang ina ng aktres at humingi ng pagkakataong kausapin ang anak dahil wala itong alam sa naganap na kasalan.

Ang isang nakaagaw pa ng eksena sa nangyaring secret wedding ay ang ulat na panununtok umano ni Matteo sa bodyguard ni Sarah na nakilala sa pangalang Jeremy Tamara.

Nagtungo sa Taguig Police Station ang biktima at inakusahan nito si Matteo na sinuntok umano sya sa lalamunan matapos akusahang nagsumbong kay Mommy Divine sa magaganap na kasalan.

Mariin namang tinanggi ni Matteo ang akusasyon at iginiit na wala siyang sinuntok.

Kaugnay nito ay bumuhos ang pagbati kina Sarah at Matteo matapos kumpirmadong ikinasal ang dalawa kagabi, Pebrero 20 sa isang civil wedding.

Nag-trending din ang hashtag na #Mrs. Guidicelli dahil dito.