Sarah-Matteo sa bahay ng pinsan nag-honeymoon?

Hindi lang secret wedding ang nangyari sa couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Pati ang dapat ay bonggang honeymoon ay mukhang hindi rin nai-celebrate.

Sarah Matteo honeymoon

Ito ay kung pagbabasehan ang post ng pinsan ni Matteo sa social media na si Marie Irisha Arcenas.

Sa IG post ni Arcenas ay binati nito ang bagong kasal.

Kalakip ng pagbati ay ang sweet na larawan ng mag-asawa na magkayakap habang nakaupo sa sofa.

“Just Married! With Love, the impossible becomes possible. We can finally do our sleep over! Our home is your home, we love you guys.”

Marami naman ang natuwang fans ni Sarah dahil nangyari na ang pinakaabangan nilang kasal ng kanilang idolo.