AshMatt Sarah Geronimo Matteo Guidicelli honeymoon

Sa wakas at natuloy na rin ang long-delayed honeymoon nina celebrity couple Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ni-reveal ni celebrity doctor Vicki Belo sa kanyang Instagram na nagkaroon ng romantic getaway ang dalawa.

Nag-post si Vicki ng lower legs ng tatlong tao at pinapahulaan niya sa fans kung kanino ito.

Sa separate post, pinost nito ang litrato nina Sarah at Matteo kasama ang kanyang anak na si Scarlet Snow at dalawang aso.

“You guys are good. After I gave the delayed honeymoon clue, the majority of you guessed right,” caption ng sikat na doktor.

Walang binigay na detalye kung saan nag-honeymoon ang dalawa ngunit mapapansin na kasama nila ang pamilya Belo sa boat ride.

Ikinasal sina Sarah at Matteo in a Christian wedding noong February ngunit naging controversial ito ng mapag-alaman na isinekreto nila ito kay Mommy Divine.