Sobrang kinilig ang mga tagahanga ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Gudicelli sa kanilang first commercial bilang mag-asawa.
Kahit kontrobersyal ang kompanyang iniendorso ngayong pandemya ay sapaw ang isyu laban dito dahil pawang magagandang salita ang ibinato ng mga fans ng dalawa sa kanilang commercial sa Meralco.
Sabi nga ng ilang netizen, wala na silang angal sa Meralco dahil sa napaka-sweet ng couple sa nasabing Meralco ads.
Komento pa ng ilang netizens kuryente sa kilig ang hatid sa kanila ng unang TVC ng mag-asawa.