Tiyak na inspirado ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan nang mabasa ang positibong komento ng Popstar na si Sarah Geronimo sa post sa Instagram kung saan ay makikitang kumakanta habang nagpi-piano ang dalaga.
Ang video ng pagkanta ni Yohan ay ipinost ni Ryan sa kanyang IG account.
Marami ang napahanga sa galing ni Yohan kabilang si Sarah na nagsabing “Ang galing, galing” ng anak ng kaibigang si Juday.
Kitang-kita naman sa video ang suporta sa anak na nagpamalas ng talento na hinangaan ng netizens.