Sarah Geronimo misis na ang peg

Mula sa kontrobersiyal na secret wedding ay unti-unti nang nagmo-move-on ang couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sa isang Instagram post ng kilalang beauty doctor na si Vicki Bello ay ibinahagi nito ang pagsisimula ng mag-asawa sa pamamagitan ng pamimili ng kanilang mga gamit sa bahay.

Nasa isang shopping mall ang bagong kasal at namimili ng mga plato, baso at iba pang gamit sa bahay na pinaniniwalaang mga gagamitin nila sa pagsisimula bilang bagong mag-asawa.

“So happy to see Mr and Mrs Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties . @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much. Matteo though is so sweet and patient with her. He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world #AshMatt,” caption sa post ni Belo.

Ang bagong kasal ay sinasabing maninirahan muna sa isang condo na nauna nang binili ni Matteo.