Funny ang recent post ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang Instagram account.
Katulad ng ibang K-drama fanatics, kinilig din ang alkalde kay Hyun Bin sa recent drama na ‘Crash Landing On You’.
Isang poster ni Hyun Bin, na isang taga-North Korea ang character, kung saan naka-edit ang mukha ng mayora sa babaeng nasa likod nito.
“Hyun Bin posters for sale edits by ztl and staff,” caption ni Mayor Sara na ikinatuwa ng mga netizen.