Sandara Park gusto ibalik ang 2NE1

Napaiyak si Sandara park sa kagustuhan nitong magkaroon ng reunion ang kanyang dating grupo na 2NE1.

Sa isang clip ng SBS show ‘My Music Teacher Mingalabar’, makikitang nagpe-perform ng 2NE1 hit song ‘Fire’ si Sandara sa isang mall sa Myanmar.

Matapos ang kanyang performance, tinanong ito tungkol sa kanyang fellow members na sina CL, Park Bom at Minzy.

Pag-amin ni Sandara, weak spot niya ang kanyang mga kagrupo.

Nagsimula ang kanyang showbiz career sa ‘Star Circle Quest’ ng ABS-CBN noong 2004.

2009, naging miyembro ng famous K-pop girl group 2NE1 si Dara, na nag-disband noong 2016.