Tatanggap ng tig-P10K bonus ang mga guro sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) sa ibibigay na incentive bonus sa mga public school teachers.
Iba umano ang nasabing halaga sa tinanggap na year-end bonus ng mga guro na katumbas ng kanilang isang buwang sahod.
Ang good news sa mga guro ayon sa DepEd ay diretsong papasok sa ATM account ng mga benepisyaryong guro.
Papasok umano ito sa account ng mga guro mula Disyembre 10 hanggang 20
ngayong taon.