Sam Smith nag-react sa Pinoy viral video

Namangha ang Grammy winner Sam Smith matapos mapanuod ang viral video ng isang Pinoy student habang kinakanta ang kanta niyang “Too Good at Goodbyes.”

“WHO IS THIS KID!!!!!? YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE WHOEVER YOU ARE,” tweet ni Sam nitong Sabado nang gabi.

Ang nasabing estudyante ay si Carl Malone Montecido, na isa rin sa contestant ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” noong 2016.

Tinawag din siyang “Blind Balladeer” dahil sa pambihira niyang boses kahit na siya ay bulag.

Ang video ay kuha ni Facebook user Trixie Madison na ngayon ay mayroon ng humigit kumulang 7 million views.