Sam Milby, Catriona Gray inaming magkarelasyon

Inamin na ni actor-singer Sam Milby na nagda-date sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” caption ng actor sa kanyang Instagram post kasama ang beauty queen.

Catriona Sam

Noong nakaraang taon pa nagsimulang ma-link ang dalawa.

Nitong Enero, sinabi ni Catriona na siya at si Sam ay good friends lang na sabay nagsisimba at magkapareho ng talent management agency.