Saliva test ng Red Cross aprub na sa DOH

Isinama na ng Department of Health (DOH) ang RT- PCR Saliva test ng Philippine Red Cross (PRC) sa lahat ng laboratory test results sa bansa. Ayon kay Chairman and CEO Sen. Richard Gordon, mas mura, mabilis at non-invasive ang test sa covid-19 ng saliva RT-PCR test na isang gold standard for COVID-19 testing, ayon sa World Health Organization (WHO) at ngayon ay ang nag-iisang COVID-19 testing mula sa PRC na approved ng DOH.

Makikita ang saliva testing sa ilang PRC partnered shopping malls sa pamamagitan ng kanilang drive-thru collection sites para mas accessible sa mga nais na magpa-test.

“We now have a total of 13 molecular laboratories capable of testing 46 thousand tests per day. As we expand our testing capacity, PRC will soon establish a new molecular laboratory in Cotabato to serve the city and its nearby provinces,” ayon kay Chairman Gordon.

Layunin ng PRC na mas marami ang ma-test laban sa Covid-19 upang mapabilis na malabanan ang virus at maibalik ang pamumuhay noong wala pang pandemic at maiahon ang katayuan ng bansa.