‘Sablay’ minungkahi sa elementary, HS graduation

Isang opisyal ng Department of Education (DepEd) ang nagmungkahi ng pagggamit ng ‘sablay’ sa halip na toga sa graduation ceremonies ng elementarya at high school.

Ang paggamit ng ‘sablay’ ay pagpapakita ng ‘patriotism’ at ‘nationalism’ sa mag-aaral, ayon sa panukalang inilibas ni Education Undersecretary Alain Pascua.

Sablay DepEd

Pag-eksplika ni Pascua, ang paggamit ng toga ay nakuha sa kanluraning kultura at nagpapaalala sa kolonyal na nakaraan ng bansa.