Saab Magalona nag-donate ng breastmilk sa Taal

Saab Magalona breast milk donation TaalNag-donate ng kanyang sariling breastmilk si Saab Magalona para sa mga sanggol na apektado ng pagsabog sa Taal.

Sa isang Twitter post, nanghihingi ng breastmilk donation ang isang netizen na siyang sinagot naman ni Saab.

“I have breastmilk but need help with sending to Batangas! Help!” reply ni Saab.

Wala pang isang oras nag-tweet ulit ang ‘Cheats’ vocalist na nakahanap na siya ng paraan.

“UPDATE: Already found somebody who can transport my milk!! Thanks, guys!!!”

Nagpapa-breastfeed pa rin si Saab sa kanyang pangalawang anak na si Vito.