Sa wakas! Janella Salvador nilantad ang anak

Mommy na nga ang Kapamilya talent at teen star na si Janella Salvador.

Sa vlog ng aktres na ngayon ay nasa United Kingdom ay lantaran nitong ipinakita ang isang sanggol.

Noong una ay palaisipan sa netizen ang nasabing sanggol dahil tanging caption na, “It’s time” ang kanyang inilagay sa kanyang Twitter account.

Pero kalaunan sa kanyang vlog ay ipinakita na ni Janella ang anak kay Markus Paterson at ayon sa vlog ay October 20, 2020 niya ipinanganak si baby Jude.

So true mommy na nga ang aktres na pumuslit palabas ng bansa para sa UK isilang ang kanyang anak.

https://www.instagram.com/p/CJp7k_CsbMA/