Sa pagpirma sa Anti-Terror Bill: Kalayaan tsinugi imbes COVID- Hontiveros

Dismayado si Senador Risa Hontiveros sa ginawang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti- Terror Bill nitong Biyernes, Hulyo 3, 2020.

“Malinaw ngayon kung ano ang una sa prayoridad ng pamahalaan: hindi ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan, kundi ang pagpatay sa ating kalayaan at ang pagkapit sa kapangyarihan,” giit ni Hontiveros.

“While the country’s COVID-19 cases have gone past 40,000 and while 7.3 million Filipinos have lost their jobs and livelihood, Malacanang has instead signed the Anti-Terrorism Law that it will use to trample on Filipinos’ basic rights and freedoms,” dagdag nito.

Sinabi pa ng Senadora na isa lang ang dahilan kung bakit pinagpilitan ng gobyernong ito ang pagpasa ng batas na ito sa gitna ng isang health crisis.

“They are afraid of the growing discontent of the people with the government’s incompetence and abuses during the global pandemic.”

“This law, with its vague and unconstitutional provisions, will provide government with fearsome legal tools to oppress and silence those who speak out and resist the injustices, the violence and the corruption of those in power,” sabi pa ni Hontiveros.

Gayunman ay hindi aniya dapat tayo papatinag at sa halip ay mas lalo nating palalakasin ang ating boses laban sa paniniil ng ating kalayaan.