Sa paggamit ng plastic bottle: CHRIS PRATT SINITA NI AQUAMAN

Jason Momoa & Chris PrattSinita ni ‘Aquaman’ Jason Momoa ang Avengers actor na si Chris Pratt dahil sa paggamit ng plastic water bottle.

Hindi nagustuhan ni Momoa ang Instagram post ni Pratt sa Instagram kung saan ini-announce ng Avengers ‘Star-Lord’ actor ang kanyang collaboration sa Amazon para i-promote ang kanyang mga ginagamit sa pagwo-workout.

Sa naturang post, may hawak si Pratt na plastic water bottle. “Bro I love u but wtf on the water bottle. No single use plastic. Come on,” comment ni Momoa sa post ni Pratt.

Sa naturang post ni Pratt nakasuot ito ng pang-workout at may hawak na plastic bottle at iyon ang pinuna ni Momoa na matagal nang isang mahigpit na ocean activist.

Sumagot naman agad si Pratt: “Aquaman! You’re completely right.

Dammit.

I always carry my big gallon size reusable water jug around with me too. I even had it that day!!!”

“If I remember correctly somebody threw that plastic bottle to me in the photo shoot cause I didn’t know what to do with my hands! I never know what to do with my hands! So uncomfortable. For real tho. Love you too buddy. My bad. I don’t want your home of Atlantis covered in plastic. Hear that kids? Reduce. Reuse. Recycle,” ayon pa kay Pratt.