Ryza Cenon buntis sa panganay

Buntis si actress Ryza Cenon sa kanyang first child.

Inanunsiyo ni Ryza ang kanyang pregnancy sa Instagram nitong Wednesday, showing her baby bump.

Ryza Cenon baby bump

‘It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way,’ caption ni Ryza, with hashtags #prayeranswered, #Godsgift at #newjourney.

Sa exclusive interview ni Ryza sa PikaPika.ph, inamin nitong five months pregnant na siya at baby boy ang gender ng kanyang isisilang sa November.

Ang ama ng kanyang anak ay si cinematographer Miguel Cruz.