Ryle, sumabak sa paggawa ng musika sa debut single na “Iniismol”

Ipinaparamdam ni Ryle Santiago ang sakit ng hindi magustuhan ng mga tao sa paligid ng minamahal niya sa kanyang debut song na “Iniismol,” na ini-release ng Star Music at iprinodyus ng TNT Records.

 “Tungkol ito sa babaeng minahal ko ng dalawang taon pero hindi pwedeng maging kami,” sabi ni Ryle. “‘Yung mga tao sa paligid niya hindi ako gusto para sa kanya.”

 Unang beses sumabak si Ryle sa pagsusulat ng kanta sa “Iniismol,” kung saan arranger ang kapatid niyang si Lorenz Tan kasama si Edward Del Fierro Mitra, at executive producer naman si TNT Records head Pete Dizon.

 Kahit na malungkot ang tema ng kanta, may magandang mensahe rin daw ito sa pakikitungo sa isang tao na importante sa’yo. “Pinapaalala nung kanta na kahit nakatadhana nang mangyari ‘yung mga bagay, pwede pa rin tayong mag-open up at mag-share ng sarili natin sa isang tao,” aniya.

 Makikita naman ang bunga ng pagsisikap ni Ryle sa kanta sa magagandang reaksyon ng fans sa YouTube.

 “Wala masyadong instrumental, ‘di masakit sa tenga. Ang ganda kasi ramdam talaga ng tao na mula sa puso ‘yung gawa… Nice and great job, Ryle,” comment ni ella faith.

 “I’m so extremely proud and happy for you buddy!!! I’m sure a lot of people can relate to this song!! Ughhh, so LSS right now! Humming and randomly singing this at work!” sabi ni John Kristoffer Cruz.

 Unang nakilala si Ryle bilang miyembro ng boy group sa “It’s Showtime” na “Hashtags” bilang dancer, singer, at host. Pero bukod dito, isa rin siyang aktor at brand ambassador, at nagsusulat at nagpe-perform din ng sarili niyang musika.

 Huwag matakot na ilahad ang nararamdaman sa kabila ng sasabihin ng iba! Panoorin ang music video ng “Iniismol” ni Ryle sa ABS-CBN Star Music YouTube channel, at pakinggan ang kanta sa mga digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at i-follow ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).