Ruru Madrid, Bianca Umali Instagram official na

Tinuldukan na ni Ruru Madrid ang dating rumors nila ni Bianca Umali ng i-post nito sa Instagram account ang picture nila ng dalaga for the first time.

Ang cute picture ng dalawa ay birthday greeting ni Ruru para sa 20th birthday ni Bianca.

Bianca Umali Ruru Madrid official

“Happy birthday, moonlight,” ang simple caption nito sa kanyang post, at nag-comment naman ng heart emoji ang dalaga.

Shinare din ni Ruru ang new single ni Bianca na ‘Kahit Kailan’ na inilbas sa mismong birthday nito.

Balitang nagsimulang mag-date ang dalawa noon pang August 2018.