Ang sikat na Korean variety TV show na ‘Running Man’ ay magkakaroon na ng Pinoy version na mapapanuod sa GMA Network.
Pumirma na ng kontrata ang South Korean TV Network SBS at GMA para sa nasabing show na mapapanuod sa 2021.
Ito ang kauna-unahang collaboration ng SBS sa isang TV network sa Pilipinas.
Ang SBS ay ang nasa likod ng series na “My Love from the Star,” “The Legend of the Blue Sea,” at “While You Were Sleeping.”