‘Running Man’ Manila fan meet sa February 2020

Ang cast ng Korean variety show na ‘Running Man’ ay magkakaroon ng fan meeting sa February 9, 2020 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Running Man

Present ang walong cast na sina Yoo Jae Suk, Ji Suk Jin, Kim Jong Kook, Haha, Lee Kwang Soo, Song Ji Hyo, Yang Se Chan, at Jeon So Min ayon sa post ng events promoter na Pulp Live World.

Nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P10,500 ang tickets at makakabili simula January 19, 2020 sa SM Tickets.

Ang ‘Running Man’ ay napapanood sa South Korean TV network na SBS mula July 2010 na mayroong cast at celebrity guest na makikipagkarera sa ilang lugar sa Korea.