Dalagang-dalaga na ang bunso ni dating Miss World na si Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas.
Maging ang aktres, ex-beauty queen ay hindi makapaniwala sa bilis ng panahon.
Makikita ang dalaga ni Ruffa sa IG account ng ina na talaga namang sa unang tingin ay aakalain mong si Ruffa na nadagdagan lang ng timbang.
Halos lahat ng nag-comment sa nasabing IG post ni Ruffa ay nagsabing twinnie nito ang bunsong anak.
Pansamantalang namasyal si Ruffa at anak sa Balesin Island pero agad ding umalis makaraang ideklara ang MECQ sa Metro Manila at iba pang lugar malapit sa National Capital Region (NCR).