Nakahanap na naman ng kaaway ang aktres na si Gretchen Barretto sa katauhan ni Ruffa Gutierrrez.
Nagsimula ito nang mag-comment si Greta sa post sa Instagram ni Julia na sawsaw pa more Ruffa, take it, take it.
Nauna rito sa isang post sa Instagram ni Julia ay nag-react si Ruffa at nag-comment ito ng ‘fresh’.
Dahil sa nasabing komento ay tila naungkat ang nangyaring MMFF scandal kung saan sangkot si Ruffa.
Hindi naman nag-react si Ruffa sa pasaring ni Greta at sa halip ay ang ina nitong si Annabelle Rama ang umalma.
Ayon kay Annabelle kay Greta isinusumpa ito ng buong mundo.