Game na game ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa paglantad sa social media ng seksing katawan ng kanyang 16 anyos na dalagitang anak na si Lorin Bektas.
Dahil sa IG ni Ruffa naka-post ang seksing photo ni Lorin na naka kulay pulang one piece swimsuit ay ang aktres ang inuulan ng papuri.
Karamihan sa hirit kay Ruffa ay bakit hindi pasalihin sa beauty contest ang kanyang anak katulad ng kanyang pagsali sa Miss World.
Sabi ni Ruffa wala pa sa tamang edad ang kanyang anak dahil 16 pa lamang ito, maaring sa tamang panahon kung nagka-interes ay kanya itong susuportahan.
Nilinaw din ni Ruffa na may permiso ng kanyang anak ang pag-post niya sa picture nito sa kanyang IG account.