Rose ng ’90 Day Fiance’ may YouTube channel na

Si Rosemarie Vega, o mas kilala na ‘Rose’ sa ’90 day Fiance’ ay gumawa na ng sarili niyang YouTube channel matapos sumikat sa nasabing show.

Ang kanyang first vlog ay ‘Get to know me” video para sa kanyang mga fans.

Binanggit niya sa kanyang video ang tungkol sa kanyang buhay, at ang kanyang anak na si Prince.

Nagbigay rin siya ng pagsaludo sa mga single mom na tulad niya na sumusuporta sa pangangailangan ng kanilang anak.