Rodjun, Dianne nagpa-birthday party sa kasambahay

Nagbigay ng birthday surprise sina celebrity couple Rodjun Cruz at Dianne Medina sa kanilang house helper.

Pinost ni Rodjun ang simpleng selebrasyon nila sa Instagram nito.

“We love you Manang Nitz! Happy birthday!” caption nito sa surprise birthday video.

Naghanda sina Rodjun, Dianne at iba nilang helpers para surpresahin si Manang Nitz sa labas ng kuwarto nito with birthday cake.

Napaiyak naman si Manang Nitz sa surprese nila habang kinakantahan siya ng happy birthday song.

Nagpasalamat naman si Dianne sa pagluluto ng pagkain ni Manang para sa kanilang lahat.

Sa ngayon ay buntis si Dianne at expecting ng baby boy.