Rod Stewart nagbigay ng $6K sa estudyanteng na-comatose sa Coronavirus

Lumulutang ang pagmamahal sa kapwa ng ilang sikat na personalidad tulad ng singer na si Rod Stewart na nagbigay ng anim na libong dolyar sa isang student nurse na tinamaan ng coronavirus.

Mismong ang student nurse na si Natasha Jenkins ng South Wales ang nagpabatid ng tulong na ipinahatid sa kanya ni Rod Stewart.

Rod Stewart 6K mail

“My house phone rang one day, and it was a lady saying, ‘I’m calling on behalf of Rod Stewart.

She said, ‘I’m from his PR company. He’d like to send you something,'” sabi ni Jenkins base sa ulat ng People.

Si Jenkins ay na-comatose ng 22 days dahil sa coronavirus at nabalita ang nangyari rito matapos siyang magpost ng video sa Facebook ng muli nilang pagkikita ng kanyang dalawang anak na sina Codie, 16; Elise, 12 at Oakley, 6 matapos ang limang linggong pagkaka-confine dahil sa coronavirus.

Gulat na gulat umano si Jenkins at una nitong inakala na nagkamali lamang sila ng dinig: “I said, ‘Sorry, who are you calling on behalf of?’ And she said, ‘Rod Stewart’ so I was like, ‘Oh!”

Dalawang araw matapos ang phone call nakatanggap ng isang sobre sa kanyang doormat si Jenkins.

Sa loob ng sobre meron umanong isang litrato ng singer at sa likod ay may nakasulat na mensahe.

Kasama ng litrato ang isang tseke na nagkakahalaga ng USD6,000.

Napanood umano ni Stewart ang video ng emosyunal na pagkikita ng student nurse at ng kanyang mga anak.