Rock legend Little Richard pumanaw sa edad na 87

Pumanaw na ang “architect of rock ‘n’ roll” na si Little Richard nitong Sabado sa edad na 87.

Hindi pa alam kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay, ngunit inatake na ito sa puso noong 2013 na humantong sa pagre-retire nito mag-perform.

Little Richard Beatles

Ilan sa kanyang hits ay “Long Tall Sally” at “Tutti Frutti” noong 1950s.

Si Richard din ang nag-officiate sa kasal nina actors Bruce Willis at Demi Moore noong 1987.

Nagbigay ng tribute sina Mick Jagger, Ringo Starr at Michelle Obama sa namayapang music icon.