Rock band Foo Fighters maglalabas ng sariling version ng Japanese Sake

Sa pag-celebrate nila ng 25th anniversary, may cool partnership ang rock band Foo Fighters at Japanese brewers Tatenokawa na magre-release ng sariling sake in honour of their new album, Medicine at Midnight.

Kasabay ng pag-release nila ng new album sa February 5, ang Hansho (Midnight) alcoholic beverage ay magkakaroon ng dalawang versions – blue at silver – na personal na tinikman at brinew ng Foo Fighters members.

​“Members of Foo Fighters, who love sake, actually tasted and brewed two types of Junmai Daiginjo sake based on their favourite sake,” ayon sa brewer company. Sa kabilang banda, naglabas ulit another track sa kanilang bagong album ang rock legend band, intitled “Waiting On A War.”