
Dismayado agad si Pangulong Rodrigo Duterte sa inisyal na aksyon ni Vice President Leni Robredo nang italaga niya ito bilang anti-drug czar pero hinayaan niya itong magpabida.
“Alam mo ano ka e, di kita maintindihan. You were there grandstanding pero hinayaan kita,” pasaring ni Duterte.
Sinabi pa ng Pangulo na unang araw pa lang bilang anti-drug czar si Robredo ay sinibak na ito ni Duterte sa kanyang isip.
Hindi umano niya nagustuhan nang sabihin ni Robredo nam magtutungo siya sa US Embassy.
“I fired her in my mind. Noon pa, first day pa lang nung sabi niyang punta siya saUS Embassy,” pagbubulgar pa ni Duterte sa panayam ng CNN.