Robin Padilla pinaiyak ni Sen. Go

Masayang ibinahagi ng action star na si Robin Padilla ang kanilang larawan ni Senador Bong Go.

Sa pamamagitan ng Instagram post ay ipinakita ni Robin ang pagdalaw sa kanya ni Sen. Go na itinuturing niyang kaibigan.

Robin Padilla & Sen. Bong Go
Robin Padilla & Sen. Bong Go. (IG)

Ganito ang madamdaming caption ni Robin sa kanilang larawan ni Sen. Go.

“When your up there, everyone will be your friend and literally wanted to pull them up, but when your down, there only a few of the many friends will try to pull you up … a true measure of a true friend, maraming salamat partner sa pagpapatawa
sa akin at pagpapaiyak sa amin ni Mariel sa kagalakan.”

Sa nasabi ring post ni Robin ay nagpaabot ng mensahe ang netizens para sa agaran nitong paggaling.

Hindi naman tinukoy ang ospital kung saan naka-confine ang aktor, gayundin ang dinadala nitong sakit.