Robin Padilla pinababaril 89 bgy chairman na korap

HINDI nagustuhan ng aktor at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Robin Padilla ang iginawad na parusa ng Office of the Ombudsman laban sa 89 barangay chairman na sinasabing nangurakot sa ipinamahaging Special Amelioration Program (SAP).

Nakaraang linggo ay naglabas ng desisyon ang Ombudsman laban sa mga kapitan ng barangay na nagsamanta sa ipinagkatiwalang pondo ng bayan sa kanila ng DSWD sa panahon ng pandemya.

Gayunman ay natuklasan sa ginawang imbestigasyon ang kanilang mga paglabag kaya pinatawan ang mga ito ng anim na buwang suspesyon, bagay na ikinadismaya ni Padilla.

Ito ang hirit ni Robin na kanyang ipinost sa kanyang Facebook page: “Wow Suspended Lang… pang estudyante blues ang Parusa tsk tsk tsk kawawang mga mahihirap na Pilipino tsk tsk tsk kapag ordinaryong pinoy ang nagnakaw o ang namitas sa kalsada swak kaagad sa rehas at kapag minalas pa patay kaagad sa engkuwentro pero kapag nasa gobyerno pang bulakbol Lang ang Parusa.

Pero Salamat na rin at May Hakbang ang Principal ng iskul bukol pero Maling Mali ito dapat sa panahon ng pandemic na ang Tao ay naghihikahos sa Lalong kahirapan at takot dahil sa Dami ng namamatay sa COVID 19 ang mangurakot na taga gobyerno kinukulong na kaagad kahit iniimbestigahan pa Lang at kapag napatunayan na ninakawan ang taongbayan Putang ama barilin niyo na yan sa plaza Kung San yan namumuno. Pambihirang proceso ito!

Napakapambihira…. Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah