Bilang Valentine’s gift sa kanyang asawa na si Mariel Rodriguez, humingi ng paumahin si Robin Padilla sa kanyang previous statement tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.
Unang nanghamon sa TV giants si Robin na ipakita ang kanilang contract details sa publiko at ikumpara ito sa mga ordinaryong empleyado ng dalawang network.
Tinutukoy ng action star ang unfair labor practices ng entertainment industry.
Ngunit noong Biyernes, sinabi ng aktor na nadala lang siya ng kanyang emosyon.
“As a gift to my wife this Valentine’s day, I apologize to all her family and friends in ABS-CBN, ganon din sa gma at TV5, patawarin niyo ako, the ex-convict in me overtook my emotions, inaamin ko ang aking pagiging mapusok, I could have said my piece in a spiritual way ‘Lets give the profit of our labor to our employers but our voices to the laborers’,” caption ng kanyang post sa Instagram.
Nagpasalamat naman si Mariel sa magandang gesture na pinakita ng kanyang asawa.
“Thank you very much!!! I love you I appreciate this so much. Happy valentine’s day,” komento ni Mariel sa post ni Robin.