Robin Padilla ipinasilip sa IG ang panganganak ni Mariel

Ipinanganak na ng ‘It’s Showtime’ host Mariel Rodriguez ang kanilang pangalawang anak ng action star na si Robin Padilla.

Ngayong araw, Nobyembre 16 iniluwal ni Mariel ang anak na pinangalanan nila ni Robin ng Gabriela.

Robin Padilla & Mariel Rodriguez
Robin Padilla & Mariel Rodriguez (IG)

Si Mariel nanganak sa US sa piling ng kanyang mga magulang.

Wala si Robin sa kanyang tabi ng iluwal ang kanilang pangalawang anak sa pamamagitan ng normal delivery.

Ang magandang balita tungkol kay Mariel ay ibinahagi mismo ni Robin sa kanyang Instagram post.

Ganito ang nilalaman ng IG post ni Robin habang nanganganak ang misis.

“In the name of the Father” A father is neither an anchor to hold us back nor a sail to take us there but a guiding light whose love shows us the way.’

“Today maria gabriela de padilla was born God is great! My wife had her dream fulfilled again gabriela was delivered by natural birth Praise God.”