Robert Pattinson quarantine selfie cover story ng GQ Magazine

Umaktong photographer si Robert Pattinson at kinuhanan ang kanyang sarili habang naka-quarantine para magamit na cover photo ng GQ Magazine.

Lalabas sa June issue ng GQ ang self-portrait ni Pattinson kung saan hawak nya ang Nikon DSLR camera, walang ayos at hindi nagsuklay ng buhok para ipakita ang kanyang buhay quarantine.

Robert Pattinson

Maging ang mga litratong ginamit sa inside cover story ng naturang magazine ay mga kuha rin ni Pattinson gamit ang kanyang DSLR.

Si Pattinson na sumikat sa Twilight saga movie series ang susunod na Batman.

Kasalukuyang nagsu-shooting ng The Batman sa London si Pattinson nang ipatigil ang shooting dahil sa coronavirus pandemic kaya nasa London pa rin ang aktor habang hindi pa pinapayagan ang mga pagbibiyahe.

Para naman sa interview ng GQ, pumayag si Pattinson sa FaceTime interviews habang ang kanyang koleksyon ng “self-portraits” (hindi raw ‘selfie’) ang ginamit sa buong artikulo na may titulong: “Robert Pattinson: A Dispatch From His Isolation”.

Bagama’t hindi isang propesyunal na photographer, naging dramatiko ang mga sariling kuha ni Pattinson.