‘Riverdale’ Lili Reinhart nag-out na bisexual

Nag-out na sa publiko si actress Lili Reinhart na siya ay bisexual.

Sikat ang American actress sa kanyang pagganap na Betty Cooper sa ‘Riverdale.’

“Although I’ve never announced it publicly before, I am a proud bisexual woman,” post nito sa kanyang Instagram stories.

Inanunsiyo niya ito sa pagsuporta ng LGBTQ+ community sa #BlackLivesMatter protest sa California.

“I will be joining this protest today. Come join.”

Huling nakarelasyon ng aktres ang kanyang Riverdale co-star Cole Sprouse na gumanap na Jughead.