Nagbigay ng $5 milyong kontribusyon ang singer na si Rihanna para sa coronavirus relief efforts.
Ang donasyon ay ipinabatid ng Clara Lionel Foundation (CLF) na itinatag ni Rihanna.
Ang mensahe ay ipinarating ng foundation sa kanilang twitter account nitong Sabado.
“We’ve responded to COVID-19 by distributing $5 million to @PIH @DirectRelief @FeedingAmerica @rescueorg @WHO & #Barbados to prepare communities w/ critical protective gear, medical supplies, equipment and access to food across multiple regions. #CLF #HealthcareHeroes,” ayon sa twitter post ng foundation ni Rihanna.
Ang naturang non-profit organization ay itinatag ni Rihanna noong 2012 bilang pagbibigay parangal sa kanyang lola at lolo na sina Clara at Lionel Braithwaite.
Pokus ng foundation na suportahan ang pagbibigay ng edukasyon, health at emergency response programs sa buong mundo.
Ayon kay CLF Executive Director Justine Lucas, malaki ang maitutulong ng pondong ito sa mga mahihirap na komunidad na tatamaan ng coronavirus pandemic.