Rico Blanco may bagong MV sa frontliners

Inilabas ni Rico Blanco ang official music video ng kanyang first solo single sa loob ng apat na taon.

Ang nasabing kanta ay tribute ng singer sa COVID-19 frontliners sa bansa.

Ang ‘This Too Shall Pass’ ay tribute sa mga unsung heroes na nakikipaglabansa coronavirus, na nagpapakita ng tunay na ‘bayanihan.’

Pinapakita din sa video ang ‘new normal’ sa buong mundo.

Ang artist royalty fee ni Rico ay mapupunta sa COVID-19 fund at ang kikitain ng Sony Music Philippines sa nasabing music video ay mapupunta sa www.puhon.ph sa unang anim na buwan nitong pagka-release.

Ang website ay naglalaman ng inspiring stories at encouraging messages sa mga frontline na nakikipaglaban sa pandemic.