Richard-Sarah ‘di naawat ng coronavirus

Matapos ianunsyo ng couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang pagkansela ng kanilang grand wedding na idaraos dapat noong Sabado, Marso 14 dahil sa paglaganap ng coronavirus ay isang sorpresang kasalan ang naganap.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Sarah ang nangyaring civil wedding nila ni Richard.

Sarah Lahbati Richard Gutierrez civil wedding

Present sa kasalan ang ilang miyembro ng kani- kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa IG post ay pinasalamatan din at humingi ng apology ang aktres sa mga kaibigan at kaanak na galing pa sa ibang bansa dahil sa hindi natuloy na bonggang kasalan.

Mukha namang masaya ang aktres sa pangyayari dahil sa kanyang caption sa IG ay bonggang ‘ I have you, and it’s enough’ ang naging deskripsyon ni Sarah sa civil wedding.