Richard Gutierrez-Sarah Lahbati wedding bigatin ang sponsors

Viral ang wedding invitation ng celebrity couple Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil sa bigating sponsors ng kanilang kasal.

Makikita sa imbitasyon ang attendees at kanilang role sa kasal.

Sarah Richard wedding invitation

Kasama sa bridesmaids ay sina Yassi Pressman, Coleen Garcia, Bella Padilla at Janine Gutierrez.

Sa kanilang secondary sponsors kasama sina Aga Muhlach, Charlene Gonzales, Mariel Rodriguez, Robin Padilla, Vice Ganda at Angel Locsin.

Ang kanilang principal sponsors ay kapansin-pansin na puro politicians katulad nina President Rodrigo Duterte, presidential spokesperson Salvador Panelo, former president Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada, Senate President Tito Sotto at Senator Manny Pacquiao, Bato dela Rosa at Cynthia Villar.

Nagsimula ang relasyon nina Richard at Sarah noong 2012 at na-engage noong 2017.

May dalawa na silang anak na sina Zion at Kai.