Para sa kanilang 22nd anniversary, nagtanim ang celebrity couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres.
Nagtanim sila ng Dita tree sa Ormoc city nitong April 28, kasama ang kanilang anak na si Juliana.
“We marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you @lucytgomez. Thank you for being my guiding light,” post ni Richard sa kanyang Instagram.
Nag-post naman ng throwback wedding video si Lucy na kanyang regalo para sa adawa.
“Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in.”
Nag-share din si Juliana ng picture ng kanyang magulang na may caption na “What love should be like #22”.
Unang nagkita ang dalawa sa isang shampoo commercial.
Ngayon ay parehong nasa politika na ang dalawa, si Richard na mayor ng Ormoc City at si Lucy naman ay congressman ng Fourth District of Leyte.