Ang laki talaga ng pinayat ng aktres na si Rhian Ramos.
Sa isang IG post ni Rhian ay nasa probinsya anya siya.
Kitang-kita ang nipis ng katawan ng aktres.
Marami ang bet ang kapayatan ni Rhian pero may Ilan din namang hindi sang-ayon sa pagbagsak ng katawan ng dalaga.
Pero bago napansin ang pagpayat ni Rhian ay napabalitang hiwalay na ito sa kanyang Israelian BF na si Amit Borsok.
Kaya tuloy usap-usapan ngayon sa showbiz na kaya pumayat ng todo si Rhian ay dahil sa breakup sa dyowa na sinabayan pa ng pandemya.