Retirement age na 56 sa gov’temployees pasado na sa Kamara

Nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagbaba ng optional retirement age para sa mga government employee.

Mula sa kasalukuyang 60 anyos ay ibinaba ang edad sa 56 na sinang-ayunan lahat ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kabuuang bilang ay nasa 192 kongresista ang pumabor sa House Bill No. 5509 sa plenary session nitong Lunes.

Ang ipinasang bats ang aamyenda sa HB 5509 Section 13-A ng Republic Act No. 8291 o ang “Government Service Insurance Act of 1977”.