Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay naglabas ng partial results para sa PLM Admission Test (PLMAT) sa Academic Year 2020-2021 sa website nito, plm.edu.ph.
Ang PLMAT ay isang apat na oras na pagsusuri na binubuo ng mga pagsubok sa English, Science, Mathematics, Filipino at Abstract Reasoning.
Ito ay isinasagawa taun-taon upang mai-screen ang mga aplikante na nais mag-enrol sa undergraduate program ng PLM.
Ang pagpasa sa PLMAT ay kinakailangan para sa pagpasok sa PLM.
Ngayong taon, ipinakilala ng PLM ang apat na mga pagbabago sa proseso ng aplikasyon at pagsasagawa ng mga pagsusulit upang mas maginhawa para sa mga aplikante kaysa sa dati.
Ito ay ang mga:
(1) online application at pagsusumite ng mga dokumento, upang mabigyan-daan sa pagsusumite ang mga aplikante kahit sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ);
(2) ang online interactive na PLMAT reviewer;
(3) pagsusulit sa parehong araw o walk-in exams, at
(4) maisagawa ang PLMAT sa apat na mga testing centers (pampublikong high school sa Maynila) upang mapalapit sa testing center ang mga aplikante.
Ang entrance test ay hinati sa iba’t-ibang batch mula Nobyembre 2019 hanggang Marso 2020, kasama ang mga aplikante na nagmula pa sa Visayas at Mindanao.