Resbak ni Atong kay Marjorie: ‘Wag ka matakot sa akin kundi kay Recom’

Binutata ni businessman Charlie ‘Atong’ Ang ang aktres na si Marjorie Barretto matapos itong manawagang ‘wag siyang saktan dahil sa pagkakakaladkad sa kanya sa eskandalo.

“Sa drama niyo, sa away niyo, wala akong pakialam diyan. Kung may dapat kang katakutan, I think ‘yung family ni Recom (Echiverri). Idineklara mong kabit ka, e. Dapat kang matakot, may mga anak ‘yon.  Doon ka dapat matakot,” giit ni Ang.

Ang pahayag ay ginawa ng negosyante matapos aminin ni Marjorie na anak nya kay Recom ang kanyang bunsong anak.