Resbak kay Coco: Pasalamat ka SolGen ako, kundi pinakain ko sa’yo mga dakdak mo!

“If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words!”

Ito ang maanghang na buwelta ni Solicitor General Jose Calida sa mga birada sa kanya ni ABS-CBN star Coco Martin kasunod ng pagpapasara sa Kapamilya network na may isyu sa prangkisa.

Sa opening statement ni Calida sa joint hearing para sa ABS-CBN franchise renewal, binalikan ni Calida ang mga banat ni Coco na handa siyang makipagpatayan kapag ang pamilya niya ang kinanti.

Nagsalita rin si Calida laban sa pahayag ng ‘Ang Probinsyano’ lead na tinarantado umano ni Calida at National Telecommunications Commission ang mamamayang Pilipino sa pagpapasara ng ABS-CBN.

“He feels that he can solve their problems the same way as he solves them on-screen with much luster and bravado,” saad ng Solicitor General.

Hindi rin kumbinsido si Calida sa paghingi ng sorry ni Coco matapos ang maaanghang na salita nitong binitiwan.

“However, we cannot discount the fact that in his rage, Coco Martin’s outburst showed a clear lack of understanding of the situation.

The sarcasm is clear: ‘Ipagdarasal ko na lumiwanag sana ang inyong isipin at kung sino man ang nag-utos sayo”,” resbak ng OSG boss.