Reporter todas sa ambush sa Pampanga

Todas ang isang tabloid reporter kasama ang isa pa matapos tambangan sa Arayat, Pampanga kagabi.

Kinilala ang biktima na si Jupiter Gonzales, reporter ng tabloid newspaper na Remate.

Ayon sa inisyal na ulat ng Pampanga PNP, alas-10:00 kagabi nang tambangan ang reporter at isang kasama habang sakay ng kotse.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen.