Nakapagtala ng mataas na remittance mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong buwan ng Setyembre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ay kahit na humina ang padala ng mga OFWs mula sa mga bansa sa Middle East.
Sa datos ng BSP, umabot sa $2.65 billion kada buwan ang remittance ng mga OFWs, mas mataas ngayong taon ng 6.3 porsiyento sa September 2018 record.
Gayunman ay mas mababa ito sa $2.88 billion money transfer na naitala nitong Agosto.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng siyam na buwan ay tumaas ang remittance ng 3.9 percent at naging $24.64 billion. Mas mabilis ang paglago nito kumpara sa 3 percent na na-forecast ng BSP para sa buong taon.