Relasyon kay ex-mayor Recom inamin ni Marjorie

Walang label na ikinabit ang aktres na si Marjorie Barretto sa itinuturo ni Gretchen na boyfriend nito na si ex-Caloocan City Mayor Recom Echeverri.

Sa panayam ni Karen Davila sa TV Patrol ay inamin ni Marjorie na ama si Recom ng bunso niyang anak.

Ang pag-amin ay ginawa ni Marjorie para bigyang linaw ang mga akusasyon sa kanya ng kapatid pati na ang pagtawag sa kanyang Marjorie Baldivia este Echeverri.

Sinabi ni Marjorie na pinili niyang ilihim ang kanyang relasyon kay Recom dahil alam niyang mali ito sapagkat ito ay pamilyadong tao.